One Hospital COVID-19 Command Center, dinaragsa ng tawag ayon sa MMDA

Dinaragsa ng tawag ang One Hospital COVID-19 Command Center ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) simula nang buksan ito sa publiko.

Ayon kay Mike Salalima, head ng COVID-19 Command Center, kinakapos na sila ng linya at mga tao dahil halo-halo na ang tumatawag sa kanilang hotline.

Dahil dito, plano nilang dagdagan ang mga linya ng telepono at mga tao na sasagot sa mga tawag sa “One Hospital COVID-19 Command Center”.


Maglalagay na rin ng mga doktor ang Department of Health (DOH) sa One Hospital dahil magkakaroon na ito ng “TeleConsult” na isang uri ng pagpapakonsulta sa doktor gamit lang ang telepono.

Facebook Comments