“One million jobs project” ng mga pribadong sektor at gobyerno, muling bubuhayin sa ilalim ng administrasyong Marcos

Mahalaga na magkaroon ng trabaho ang maraming mga Pilipino.

Ito ang pahayag ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP) President Sergio Ortiz-Luis kung saan muling ilulunsad nila ang “one million jobs project” sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Ortiz-Luis na nagawa na nila ang naturang programa noong nakaraang mga administrasyon kabilang na ang Duterte administration.


Ayon kay Ortiz-Luis, katuwang ng ECOP ang Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI) at iba pang ahensya sa pagpapatupad ng “one million jobs project”.

Layon aniya ng nasabing programa na makatulong sa mga nawalan ng trabaho at pagbabalik ng sigla ng ekonomiya dulot ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments