ONE-NIGHT CONCERT | Boyce Avenue, magbabalik-Pinas

Manila, Philippines – Magbabalik-bansa ang sikat na rock band na Boyce Avenue para sa one-night show sa Araneta Coliseum sa June 1.

Ang banda ay kinabibilangan ng magkakapatid na ‘Manzano’ na sina Alejandro, Fabian at Daniel.

Last year lang nang magsagawa ng city tour sa bansa ang Boyce Avenue kabilang ang Maynila, Cebu, Cagayan de Oro, Bacolod at Baguio.


Taong 2007 nang sumikat ang banda dahil sa acoustic covers nila ng mga popular na kanta.

Samantala, makakasama ng Boyce Avenue sa nsabing show ang Filipina singer-songwriter na si Moira Dela Torre na hitmaker ng mga kantang “Malaya” at “Titibo-Tibo”.

Facebook Comments