ONE OF THE BEST | Bagong DFA Sec. Locsin, tiyak lulusot agad sa CA

42

Manila, Philippines – Pinuri ni Senate President Tito Sotto III ang pagpili ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Teddy Boy Locsin Jr. bilang bagog kalihim ng Department of Foreign Affairs.

Para kay Sotto, na one of the best appointment ever at excellent choice si Locsin para mamuno sa DFA kapalit ni Sec. Alan Peter Cayetano na kakandidato sa 2019 elections.

Diin ni Sotto, siguradong lulusot agad si Locsin sa makapangyarihang Commission on Appointmetns o CA.

Sigurado si Sotto na sa paghawak ni Locsin sa DFA ay hindi na mabu-bully ng ibang bansa. ang pilipinas dahil ito ay siguradong hindi mag-papa-api.

Facebook Comments