One on one dialogue ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at ni World Economic Forum President Borge Brende nakatakda sa ikatlong araw ng World Economic Forum

Makikipag-one on one dialogue si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay World Economic Forum President Borge Brende.

Ito ay kaugnay sa ginaganap na World Economic Forum dito sa Switzerland na ngayon ay nasa ikatlong araw na.

Batay sa impormasyo mula sa Presidential Communication office, magaganap ang one on one dialogue ng Pangulo kay WEF President Brende alas-5 ng hapon oras sa Switzerland o alas-12 ng tanghali sa Pilipinas.


Pero bago ito, alas-9 ng umaga oras sa Switzerland habang alas-4 sa Pilipinas ay may breakfast interactions ang pangulo kasama ang World Economic Forum CEO’s sa Salon Rotary Hotel.

Magsa-swab test naman ulit ang pangulo mamayang alas-11 oras sa Switzerland o alas-6 ng gabi mamaya dyan sa Pilipinas – para dumalo sa meetings sa Davos Congress Centre.

Pagkatapos ng swab test ay dadalo ang pangulo bilang panel sa isang dialogue kaugnay sa usapin ng nutrition security.

Alas-12 ng tanghali naman mamaya o alas-7 ng gabi dyan sa Pilipinas makikiisa ang pangulo sa Word Economic Forum Igwel lunch key remarks patungkol sa how to restart global cooperation.

Habang ala-1:30 ng hapon naman mamaya o 8:30 ng gabi sa Pilipinas dadalo ang pangulo sa high level dialogue on investing in infrastructure for resilience.

Huling aktibidad nang panguo sa pangatlong araw ng World Economic Forum ay ang pagdalo sa WEF Korea night 2023 matapos maimbitahan.

Facebook Comments