One on one interview ni Sec Panelo kay PRRD ipinagpaliban!

46

Hindi natuloy ang nakatakda sanang one on one interview ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kay Pang Rodrigo Duterte ngayong gabi.

 

Sa abiso sa MPC dahil sa “pressing matters” na hindi na inelaborate pa ni Sec Panelo kaya’t hindi natuloy ang tête-à-tête nila ng pangulo.


 

Sa unang abiso sa MPC alas sinco kaninang hapon dapat ang nasabing interview pero ito ay iniusod ng alas sinco y medya ng hapon.

 

Pero sa pinaka huling abiso dakong alas sais y bente ng gabi kanina, ang tête-à-tête nila Sec. Panelo at PRRD ay niresked sa darating na Jan 28 2020, martes ganap na alas sinco ng hapon sa Rizal Hall Malacañang Palace.

 

Una nang sinabi ni Sec. Panelo na sesentro sa iba’t-ibang issue na may kinalaman sa national interest at concern ang magiging talakayan nila ni Pang. Duterte.

Facebook Comments