One-rank promotion sa mga sundalo at pulis na nakipaglaban sa Marawi, hiniling ng isang kongresista

Manila, Philippines – Hinimok ni Quezon City Rep. Winston Castelo ang Hukbong Sandatahan ng bansa at ang Philippine National Police na gawaran ng one-rank promotion ang lahat ng mga sundalong nakipaglaban sa Marawi.

Sinabi ni Castelo na ang lahat ng uniformed personnel na nakipaglaban para makamit muli ng Marawi ang peace and security ay nararapat lamang na bigyan ng promosyon.

Giit ni Castelo, handang magbuwis ng buhay ang mga sundalo at pulis matapos tanggapin ang misyon sa Marawi.


Kung hindi rin aniya sa katapangan ng mga ito ay hindi natin makakamit ang kalayaan mula sa mga teroristang grupo.

Hinikayat ng kongresista sina AFP Chief of Staff Rey Leonardo at PNP Chief Ronald Bato dela Rosa na ipag-utos ang paglalatag ng mekanismo para ma-i-promote na ang mga sundalo at pulis.

Facebook Comments