One Repatriation Command Center, ilulunsad sa susunod na linggo

Maglulunsad ang pamahalaan ng One Repatration Command Center sa ilalim ng Department of Migrant Workers (DMW) sa susunod na linggo.

Sinabi ito ni Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople, ito ay upang isa na lamang ang dudulungan ng mga pamilya ng OFWs mula sa request ng pag-uuwi ng labi o bangkay ng yumaong OFW sa Pilipinas at pagrepatriate sa mga Pilipinong biktima ng abuso o kaya stranded na Pilipino sa ibang bansa,

Dagdag pa ng kalihim, sila rin tatawag sa mga pamilya at magbibigay ng updates hinggil sa repatriation assistance para sa mga kamag-anak nila.


Layon ng One Repatriation Command Center na hindi na malito ang mga kamag-anak ng mga OFWs kung saan lalapit hinggil sa kapakanan ng kanilang kamag-anak na nasa ibayong-dagat.

Mababatid na magiging bahagi ng DMW ang mga labor agencies na nasa ilalim ng DOLE na kinabibilangan ng:

• Philippine Overseas Employment Administration (POEA)
• Philippine Overseas Labor Offices (POLO)
• International Labor Affairs Bureau (ILAB)
• National Reintegration Center for OFWs (NRCO)
• Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
• National Maritime Polytechnic (NRM)

Facebook Comments