
Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad ng “One RFID, All Tollways” sa South Luzon Expressway sa Laguna.
Ito ay isang sistema na magpapahintulot sa mga motorista na gumamit ng iisang RFID account, kaya’t hindi na kailangang magpa-install ng iba’t ibang RFID sa bawat expressway sa Luzon.
Makakasama ng Pangulo sa programa sina DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez at San Miguel Corporation President at CEO Ramon Ang.
Matapos ang paglulunsad, maaaring irehistro ng mga motorista ang kanilang kasalukuyang RFID accounts upang magamit sa iba’t ibang expressway.
Sa bagong sistema, isang RFID sticker na lang ang kakailanganin para makadaan sa mga tollway tulad ng NLEX, SLEX, TPLEX, SCTEX, CALAX, at iba pa para sa mas mabilis, maginhawa, at walang abalang biyahe.









