One-seat apart rule sa mga sinehan, ipapatupad din sa magkakapamilya

Mahigpit na ipatutupad ang one-seat apart rule sa mga sinehan sa Metro Manila kahit sa mga magkakapamilya.

Nabatid na simula bukas, balik-operasyon na ang ilang sinehan sa Kamaynilaan, na kauna-unahan mula nang pumutok ang pandemya.

Sa ilalim ng Alert Level 2, papayagang magbukas ang mga sinehan sa 50% capacity habang karagdagang 10% kung mayroong safety seal.


Kamakailan din nang payagan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hindi na pagsusuot ng face shield ng mga moviegoer.

Pero, paalala ni Metropolitan Manila Development Authority o MMDA General Manager Don Artes, bawal pa rin ang pagkain at pag-inom sa loob ng sinehan.

Facebook Comments