ONE-STOP SHOP FRONTLINE SERVICES SA PANGASINAN PPO, NAKATULONG SA MGA PULIS

Umabot sa humigit-kumulang 800 PNP personnel at kanilang mga dependents ang direktang natulungan ng isinagawang One-Stop Shop of Frontline Services ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) bilang bahagi ng pagpapalakas ng serbisyong nakatuon sa kapakanan ng mga kawani.

Sa pamamagitan ng aktibidad, pinagsama-sama sa iisang lugar ang mahahalagang serbisyo mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mapabilis at mapadali ang pag-asikaso ng mga dokumento at benepisyo ng mga pulis at ng kanilang pamilya.

Kabilang sa mga serbisyong inilapit ay mula sa Land Transportation Office, Philippine Statistic Authority, National Bureau of Investigation, gayundin ang KADIWA mula sa Department of Agriculture na nag-alok ng abot-kayang produkto.

Dumalo rin sa programa ang mga kinatawan ng DILG Pangasinan at NAPOLCOM, na nagpahayag ng suporta sa inisyatiba at binigyang-diin ang kahalagahan ng inter-agency collaboration sa paghahatid ng episyente at makataong serbisyo publiko.

Ang nasabing aktibidad ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng tanggapan na bigyang-halaga ang kapakanan ng mga kawani habang ginagampanan ang tungkulin sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments