One-stop shop para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho, pinasisimulan ng Malacañang sa DOLE

Inatasan ng Malacañang ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magkaroon ng one-stop shop sa ABS-CBN compound para sa mga manggagawa nitong mawawalan ng trabaho.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa halip na mahirapan sa pagpunta sa iba pang government agencies, mas mabuti nang magpadala ng one-stop shop sa lugar.

Makikipag-ugnayan na rin siya kay DOLE Sec. Silvestre Bello III para sa gagawing pagtulong sa mga empleyadong mawawalan ng trabaho.


Matatandaang una nang inihayag ng ABS-CBN na magbabawas sila ng kanilang mga manggagawa sa katapusan ng Agosto, matapos mabigo ang network na makakuha ng bagong prangkisa mula sa Kongreso.

Facebook Comments