One-Stop Shop para sa Pagkuha ng Business Permit, Dapat Samantalahin!

Cauayan City, Isabela- Nanawagan ang mga Local Government Unit o LGU’s sa mga negosyante na samantalahin ang One-Stop Shop Processing para sa renewal ng business permit ngayong taon.

Sa datos ng ilang bayan at siyudad sa rehiyon dos sa unang araw kahapon ay iilan pa lamang ang nag-renew ng kanilang business permit.

Kung kaya’t nananawagan ngayon ang mga LGU’s na magtungo na sa kanilang tanggapan upang maiwasan ang pagkakaroon ng multa.


Ang one-stop shop ay isang paraan para mas mapabilis ang pagproseso sa pagkuha ng mayors permit maging sa pagrerenew kung saan ay mayroong mga representante sa bawat tanggapan ng LGU para sa mga nais kumuha ng business permit.

Facebook Comments