Quezon City – Nagkasundo ang Quezon City Government at ang Center for Migrant Advocacy Philippines, Inc., para patakbuhin ang isang Migrant Resource Center na magsisilbing one stop shop ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ito ay alinsunod na rin sa itinatadhanan ng Republic Act 8042, na inamyendahan ng RA 10022, na nagmamandato sa mga lokal na pamahalaan na magtatag ng overseas Filipino help desk para magkaloob ng kinakailangang impormasyon sa pagproseso ng overseas employment.
Sa ilalim ng Memorandum of Understanding (MU), ang public employment service office ang mamanduhan na kokolekta ng mga datus sa mga migrant workers at sa kanilang mga pamilya.
Ito ay gagamitin naman para sa paghahatid ng kaalaman, konsultasyon na kinakailangan sa pagpapabuti ng programa para sa mga migrant workers.