Manila, Philippines – Magtatayo ang Transport Network Vehicle Service
(TNVS) na Uber ng temporary processing facility sa Matrix Events Place,
Quezon City.
Ito ay bilang suporta sa pagpo-proseso ng Land Transportation Franchising
and Regulatory Board (LTFRB) ng TNVS applications.
Ayon sa Uber Philippines, magsisilbi itong one-stop shop para mapadali ang
application process.
Ang itatayong processing facility ay malapit lang sa LTFRB central office.
Mula noong Marso 5 hanggang 15, ang LTFRB ay nakapagproseso na ng kabuhuang
2,488 TNVS applications kung saan higit isang libor rito ay mula sa Uber
partners.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
Facebook Comments