Hiniling ni House Speaker Martin Romualdez sa Philippine National Police (PNP) na ipatupad ng mahigpit ang “one strike policy” laban sa mga “ninja cops” at iba pang tiwaling pulis at kanilang mga opisyal.
Giit ito ni Romualdez, makaraang masangkot ang 13 tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detention Group-National Capital Region (CIDG-NCR) sa umano’y hulidap o extortion sa grupo ng mga Chinese businessmen.
Dagdag pa ni Romualdez, dapat kasama sa sinusunod na patakaran ay ang command responsibility.
Paliwanag ni Romualdez, responsibilidad ng mga nakatataas na opisyal na tiyaking ginagampanan ng kanilang mga tauhan ang tungkulin at hindi dapat nasasangkot sa mga ilegal na aktibidad.
Bunsod nito ay plano ni Romualdez na muling makipagpulong sa PNP para talakayin ang pagpapalakas sa kampanya laban sa mga tiwaling pulis para mapanagili o maibalik ang tiwala ng publiko sa kapulisan.