ONE STRIKE POLICY | Mga opisyal ng PNP na may mga tauhang lalabag sa Oplan tokhang, sisibakin sa pwesto

Manila, Philippines – Ipapatupad ng Philippine National Police ang mahigpit na one strike policy sa muling pagbabalik ng oplan tokhang.

Sa bagong guidelines ng PNP sa tokhang, masisibak ang precinct commander kapag nilabag ng kanyang mga tokhangers ang tamang pagpapatupad ng tokhang.

Masisibak naman ang chief of police ng isang munisipyo sa oras na matanggal ang 2 niyang precinct commander dahil sa tokhang.


Maaalis rin sa pwesto ang provincial director kung matanggal ang dalawa niyang chief of police.

Damay rin sa sibakan ang regional director kapag nasibak ang kanyang 2 provincial director dahil pa rin sa tokhang.

Maliban sa pagkakasibak sa pwesto, masasampahan din ng kaso ang sinumang tokhanger na lalabag sa operational guidelines para sa oplan tokhang.

Facebook Comments