One Tablet, One Student Act, patuloy na isinusulong ni Legarda

Patuloy na isinusulong sa kongreso ni dating senador Loren Legarda ang panukalang One Tablet, One Student Act.

Sa House Bill 10405 na inihain ni Legarda, layon nitong mabigyan ng tablet o gadget ang bawat isang mag-aaral ng pampublikong paaralan mula elementary hanggang high school.

Bukod dito, makikinabang din sa panukalang batas ang mga estudyanteng nasa state universities and colleges.


Samantala, nakasaad din sa panukala na kapag mayroon nang personal na learning gadgets ang mga estudyante ay bibigyan na lamang sila ng allowance.

Facebook Comments