World — Ikinatuwa ng International Olympic Committee ang naging kasunduan ng North at South Korea na magkaisa para sa gaganaping Olympic Winter Games sa Pyeongchang.
Matatandaang napagdesisyunan ng dalawang bansa na magmartsa sa ilalim ng ‘United Flag’ at bumuo ng isang joint team na isasali sa Women’s Hockery Tournament.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang dalawang pambansang komite para sa Olympics ay maglalaro para sa iisang team.
Pero ayon sa IOC, ang naturang kasunduan sa pagitan ng North at South Korea ay nangangailangan pa ng kanilang pagsang-ayon.
Facebook Comments