Monday, March 23, 2026

One-third vote ng mga kongresista para ma-impeach si Vice President Sara Duterte, abot-kamay na

Naniniwala si Manila 3rd District Rep. Joel Chua na abot-kamay na ang one-third vote ng mga kongresista para ma-impeach muli ng Kamara si Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Chua, ito ang pahiwatig ng pagboto ng halos lahat ng mga miyembro ng House Committee on Justice na sufficient in form, substance at grounds ang ikatlo at ika-apat na impeachment complaints laban kay VP Duterte.

Pahayag ito ni Chua sa harap ng nakatakdang pagsisimula sa March 25 ng impeachment hearings ng komite para matukoy kung may probable cause ang mga reklamong impeachment at dapat i-akyat sa Senate Impeachment Court.

Kaugnay nito ay binigyang-diin ni Chua na mahigpit na sinunod ng House Committee on Justice ang konstitusyon at mga umiiral na patakaran sa paghawak ng impeachment proceedings at hindi ito minadali.

Pinaalala din ni Chua na silang mga kongresista ay tumutupad lang sa kanilang trabaho at sa tungkulin na ini-aatas sa kanila ng Saligang-Batas kaugnay sa impeachment.

Facebook Comments