*Santiago City, Isabela -* Inilunsad ang “One-Time Big-Time Nationwide Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP)” na pinangunahan ng LTFRB Region 2 kaninang alas otso ng umaga sa Santiago City, Isabela.
Layon ng LTFRB na mabawasan ang mga lumang sasakyan sa kalsada na madalas masiraan, bumubuga ng maitim na usok at takaw aksidente.
Sa pagtutok ng 98.5 iFM Cauayan, ibinida sa kaganapan ang mga makabagong sasakyang pampasada tulad ng modernong bus at pagbubukas ng Taxi Operations sa Lungsod ng Santiago.
Kauna-unahan sa rehiyon ang Taxi Operations ng Tatlumpung (30) NOLTRANSCO TAXI sa Lungsod.
Kaugnay nito, inaasahan din na magkakaroon ng Taxi ang Cauayan City pagkatapos ng nasabing aktibidad sa Lungsod kung saan binuksan na ng Department of Transportation (DOTr) sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang karagdagang 30 franchise ng Taxi para sa Ideal City of the North batay na rin sa ipinalabas na Memorandum Circular number 2019-014 ng ahensya.