Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Employees’ Compensation Commission (ECC) na bigyan ng one-time P20,000 cash assistance ang mga manggagawang nagkaroon ng kapansanan dahil sa kanilang trabaho.
Batay sa Administrative Order (AO) No. 39 na pinirmahan ng Pangulo nitong Lunes, Abril 19, 2021, layon nito na makapagbigay ginhawa sa gitna ng matinding epekto sa ekonomiya ng pandemya.
Ang one-time financial aid ay mako-cover ang mahigit kumulang na 31,000 pensioners ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS).
Sa ginawang pag-aaral, kayang tustusan ng Social Insurance Fund (SIF) ang one-time financial assistance at hindi maaapektuhan ang pondo para sa mga miyembro ng SSS at GSIS.
Nabatid na nahihirapan ang mga pensioner sa aspetong pinansiyal dahil sa kanilang kapansanan at nadagdagan pa ito dahil sa nararanasang na pandemya dahil sa COVID-19.
Inatasan din ni Pangulong Duterte ang ECC, SSS at GSIS na maglaan ng pondo para sa P20,000 one-time cash assistance sa ilalim ng employees’ compensation program.