One-time financial assistance na P5,000 sa formal sector, inilabas na ng DOLE

Simula ngayong araw, ilalabas na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang one-time financial assistance para sa formal sector na apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon.

Sa interview ng RMN Manila kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sa ilalim ng COVID-19 adjustment measures program, makakatanggap ng one time financial assistance na ₱5,000 ang mga regular na empleyado na hindi makapagtrabaho dahil sa ECQ.

Ayon kay Bello, ang mga kompanyang pinapasukan nila ang tutukoy kung sino ang mga mabibigyan na ipapasok sa kanilang payroll.


Tinatayang aabot sa 250,000 empleyado ang inaasahang magbebenipisyo sa programa, lalo na ang mga nagta-trabaho sa small businesses at micro enterprises.

Aabot sa PHP1.3 billion pesos ang inilaan ng DOLE bilang financial assistance para sa formal at informal sector.

Sa informal sector, higit 2,000 na nawalan ng trabaho ang bibigyan ng pansamantalang pagkakakitaan sa ilalim ng tulong pangkabuhayan sa displaced/ underprivileged workers o tupad program.

Ayon kay Bello, i-di-disifectng mga manggagawa ang kanilang kabahayan at mga nasa paligid nito, at bibigyan ng sahod base sa minimum wage sa rehiyon.

Umarangkada kaninang umaga ang tupad program sa Pandacan, Sta. Cruz, at Sta. Mesa sa Maynila, sa Barangay North Fairview, at nagkaisang nayon sa Quezon City, at iba pang barangay sa Navotas.

Facebook Comments