ONE WAY TRAFFIC SCHEME SA ARELLANO STREET SA DAGUPAN CITY, UMIIRAL NA

Epektibo na simula kahapon, October 8, 2023 ang inimplementang road rerouting sa lungsod ng Dagupan partikular sa kahabaan ng Arellano St. bunsod pa rin ng kasalukuyang konstruksyon ng mga road projects na pagpapataas ng kalsadahan at pagpapalaki ng mga drainages.
Nakaantabay ang mga kawani mula sa hanay ng POSO Dagupan sa pagsasakatuparan ng naturang kautusan kahapon hanggang sa matapos ang implementasyon nito.
Layon nitong mabigyang daan ang mga road projects ng ahensyang DPWH na nakikitang solusyon sa matagal nang problema ng lungsod – ang pagbaha, maging magtuloy tuloy umano sa pagtatapos ang nasabing proyekto.

Inabisuhan ang publiko at humingi rin ng paumanhin ang lokal na pamahalaan ng Dagupan sa abalang dulot nito.
Samantala, matatandaan na ilang mga Dagupenos ang nagpahayag ng kanilang opinyon kaugnay sa epektong dulot nito lalo na sa nararanasang mabigat na daloy ng trapiko sa lungsod. |ifmnews
Facebook Comments