ONE-WAY TRAFFIC SCHEME SA BAHAGI NG ARELLANO ST. SA DAGUPAN CITY, IPATUTUPAD NG POSO DAGUPAN SA OCTOBER 8

Ipatutupad na sa araw ng Linggo, October 8, 2023 ang “one-way traffic scheme” sa bahagi ng Arellano St. sa Lungsod ng Dagupan.
Inihayag ni POSO Chief Arvin Decano, na ang ipatutupad na scheme ay hiling ng DPWH upang mapabilis ang konstruksyon ng drainage canal at ang pagpapataas ng kalsada.
Dagdag pa rito ay uumpisahan na rin ang pagtatabon at pagsesemento para agad na itong mapakinabangan.

Sa scheme na ito, kanilang pinag-aralan ang ukol sa ipatutupad na re-routing kung saan exit o palabas lamang sa bahagi ng Arellano. St.
Dito, ang mga motoristang manggagaling sa Brgy. Bonuan ay dadaan o lalabas sa Arellano, didiretso ito sa AB Fernandez West.
Nakahanda ang pamunuan ng POSO Dagupan sa magiging epekto nito na magreresulta sa mabigat na trapiko.
Inuumpisahan na rin ang pagdidikit ng mga karatula o mga signages upang ikalat ang naturang kautusan para sa ginagawang konstruksyon. |ifmnews
Facebook Comments