One Way Traffic Scheme sa kahabaan ng A. Bonifacio Ave. at Sumulong Highway sa Marikina City, ipatutupad simula ngayong araw para sa paggunita ng Undas

Ngayong araw ay ipatutupad ang one-way traffic scheme (Eastbound) sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue at Sumulong Highway mamayang ala-sais ng umaga hanggang November 3 ng alas-12 ng hatinggabi.

Dahil dito, ang mga sasakyang papuntang Loyola Memorial Park o Marikina City Proper ay inaabisuhan na sundin ang itinalagang ruta ng lokal na pamahalaan ng Marikina.

Samantala, magbabalik ito sa normal na two-way traffic sa November 3, sa oras na 12:01 ng umaga.

Isa pang anunsyo mula sa Marikina Government, suspendido muna ang car free Sunday sa kahabaan ng Gil Fernando Ave. Extension para bigyang daan ang operasyon ng Undas na tatapat sa November 2.

Magbabalik din naman ang car free sunday sa November 9, ala-sais hanggang alas-10 naman ng umaga.

Kaya pinaaalalahanan ng Marikina Government ang lahat na planuhin ang kanilang byahe, para hindi maging hassle at makarating agad sa kanilang mga pupuntahan.

Facebook Comments