One-week ECQ, hindi sapat para mapababa ang COVID-19 cases – DOH Epidemiology Bureau

Iginiit ng isang epidemiologist na ang isang linggong pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR+ bubble ay hindi dapat para mapababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau Director Dr. Althea de Guzman, bahagyang babagal ang kaso sa one-week ECQ pero muling tataas ito kapag niluwagan ang restrictions.

Apela ni De Guzman sa publiko na sundin ang minimum health standards para maiwasan ang panibagong ECQ sa hinaharap.


Dapat iwasan ng publiko ang non-essential travels at non-essential activities.

Ang mga makakaranas ng sintomas ay agad na magpakonsulta at ang mga nagkaroon ng close contacts ay agad na magpa-isolate at makipag-ugnayan sa kanilang local government units (LGUs).

Hinimok ni De Guzman ang mga manggagawa na sumunod sa health at safety protocols.

Facebook Comments