One working day processing sa mga dokumentong ‘for authentication’, pansamantalang sususpendihin

Manila, Philippines – Pansamantalang sususpendihin ng Department of Foreign Affairs–Office of Consular Affairs (DFA-OCA) ang one working day processing sa mga dokumentong “for authentication” o “red-ribbon” sa darating na Pebrero 15 hanggang 19.

Gayunman, tuloy pa rin ang regular processing ng mga dokumento na “for authentication” na apat na araw.

Humingi ng paumanhin ang DFA-OCA sa mga maabala at inaasahang babalik sa normal ang operasyon sa Pebrero 20.


Facebook Comments