ONGOING SEAWALL PROJECT SA PUGARO, DAGUPAN CITY, NAGING PROTEKSYON UMANO NG ILANG RESIDENTE MULA SA BAGYONG UWAN

Kompyansa ang ilang residente sa Barangay Pugaro, Dagupan City sa malaking tulong ng ipinapatayong seawall sa kanilang lugar noong nanalasa ang Super typhoon Uwan.

Anila, kung hindi dahil sa seawall ay posibleng mas malaki pa umano ang naging pinsala ng bagyo sa kanilang lugar.

Ayon rin kay Brgy. Pugaro Captain Nestor Victorio, kung magpapatuloy pa ang pagsasagawa ng seawall malapit sa kanilang baybayin ay mas malaki pa ang maitutulong nito sa tuwing may darating na sakuna tulad ng bagyo.

Inumpisahan ang pagtatayo ng nasabing seawall matapos itong maidulog ni 4th District Congressman Christopher De Venecia ang pangangailangan na mapondohan ang proyekto bilang tulong sa mga residente partikular sa mga nakatira malapit sa baybayin.

Sa ngayon, may mga residente na nakatira pa rin sa mga evacuation center sa lugar dahil sa mga pinsalang idinulot ng bagyo sa kanilang kabahayan at ari-arian. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments