
Nangako si Batangas 1st district Rep. Leandro Leviste na sa “tamang panahon” ay ilalabas nya ang mga ebidensya ng pagtanggap ng kickbacks mula sa maanumalyang mga proyekto ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
Sabi ni Leviste, nakapaghanda na rin sya ng mga video ukol sa naturang mga ebidensya para anumang mangyari sa kanya ay siguradong lalabas ang katotohanan.
Diin ni Leviste, higit pa sa Cabral Files ang hawak nyang mga ebidensya pero pinayuhan sya na hindi pa ngayon ang tamang panahon para ilabas ang mga ito.
Ayon kay Leviste, kapag nailabas ang ebidensya ay mauunawaan ng publiko na kaya inaatake ay dahil sa “takot” sa kanyang mga ilalantad.
Umaasa rin si Leviste na magbabahagi ng katotohanan sina dating DPWH Secretary Manuel Bonoan at Undersecretary Roberto Bernardo gayundin ang mga kasalukuyan at dating cabinet secretaries at undersecretaries na may alam tungkol sa maanomalyang DPWH projects at sino ang nakatanggap ng kickbacks.
Una rito ay sinabi ni Leviste na hindi nya gustong mag-abroad pero pinakiusapan umano ng ilang representante ng administrasyon ang kanyang inang si Senartor Loren Legarda na magtungo muna sya sa ibang bansa.
Si Leviste ay babyahe sa halos 20 mga bansa mula Pebrero hanggang Hulyo 2026.










