Ibinabala ng Gabriela Party-list ang pagkapilay ng ating mga magsasaka at pagpapahina sa produksyon ng sibuyas sa ating bansa.
Inihayag ito ni Gabriela Women’s Party-list Representative Arlene Brosas makaraang payagan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang pag-angkat ng 21,000 metriko tonelada ng sibuyas.
Paliwanag ni Brosas, hindi kakayanin ng local onion farmers na pantayan ang murang presyo ng imported na sibuyas sa gitna ng mataas na production costs sa ating bansa.
Dismayado si Brosas, na sa halip na ibaba ang halaga ng gastos sa produksyon ng sibuyas at iba pang agrikultural na produkto, ay bumaling na naman tayo sa importasyon na ganansya para sa ibang bansa.
Facebook Comments