ONION IMPORTATION | Mga magsisibuyas sa Central Luzon, sumugod sa DA

Sumugod sa tanggapan ng Bureau of Plant Industry (BPI) ang grupo ng onion farmers sa Central Luzon para tutulan ang plano ng Department of Agriculture (DA) na mag-angkat ng sibuyas ngayong taon.

Ayon kay Arnel Llamas, Pangulo ng Katipunan ng Samahang Magsisibuyas sa Nueva Ecija o Kasamne, dapat bago mag angkat ng sibuyas kinunsulta muna sila ng Department of Agriculture (DA).

Sa ngayon kasi marami pang supply ng sibuyas na pula sa kanilang mga bodega at sasapat pa hanggang Nobyembre.


Pero aminado sila na kulang na ang supply ng sibuyas na puti.

Pinangangambahan na nila na babagsak ang presyo ng kanilang sibuyas kapag itinuloy ang importasyon.

Katunayan aniya, mula ng mapaulat ang importasyon nito nahihirapan na silang ibenta ang kanilang produkto sa Nueva Ecija.

Nakukuha na lamang ito sa halagang P55 hanggang P60 ang kilo at dapat naibebenta ito sa Metro Manila ng P85 hanggang P90 pesos kada kilo.

Paglilinaw pa ni Llamas, wala na sa kanila ang problema kung ibenebenta ito ng mga retailers sa mataas na halaga na umabot pa sa higit 100 kada kilo.

Depensa naman ng Bureau of Plant and Industry (BPI), nagdesisyon silang mag-angkat ng sibuyas sa pangambang pumalo ito sa 100 pesos per kilo na katulad ng nangyayari ngayon sa presyo ng bigas.

Facebook Comments