Maglulunsad ng isang online application na maaaring magbigay ng impormasyon tungkol sa mga natural hazard na banta sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Ito ay tatawaging “hazardhunterph,” isang proyektong binuo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ayon kay PHIVOLCS Director, Undersecretary Renato Solidum – ang app ay magiging one-stop assessment tool para sa natural hazards.
Makikita aniya rito ang mga active faults at intensity na mararamdaman kapag may lindol.
Malalaman din kung ang inyong lugar ay ligtas sa liquefaction o paglambot ng lupa.
Malalaman din ang mga hazards kapag malapit sa bulkan o may pagbaha at pagguho ng lupa.
Opisyal na ilulunsad ang app sa July 16.
Ang proyekto ay nagkakahalga ng 40 million pesos.
Katuwang ng PHIVOLCS ang iba pang ahensya ng gobyerno gaya ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).