Cauayan City, Isabela- Inilunsad ng Police Regional Office 2 ang Electronic Visa o “E-VISA” para sa mas mahusay at pinag-ibayong kampanya kontra kriminalidad sa buong Cagayan Valley.
Ayon kay PRO2 Regional Director PBGen. Crizaldo Nieves, layunin ng E-VISA na mapabilis at mapadali ang pagtukoy sa mga criminal elements lalo na ang mga motorcycle riding suspects.
Ang E-VISA ay nagmula sa OPLAN VISA na inilunsad noong December 5, 2011 kung saan panahon ito ni PRO2 Retired Police Director at ngayon ay Mayor ng Sta. Teresita na si Rodrigo Rambo de Gracia na pinagtibay pa ng iba’t ibang lokal na pamahalaan sa rehiyon dos.
Samantala, inaasahan ang mas epektibong implementasyon ng OPLA Visa ngayong mas pinalawig ito sa pamamagitan ng E-Visa.
Ayon kay G. Edmar de Luna, President Omnitech Business Solution Corporation at Lingkod Bayanihan Representative, mula sa dating manual application at physical storage ay magiging online application at magiging cloud server storage na ito kung saan ang mga soft copies ng nakaimbak na datos ay naka-secure sa database ng PNP.
Sa pamamagitan aniya ng digital validation process, mas mapapadali ang tracing sa motorcycle driving suspects na bumibiyahe sa pampublikong lansangan.
Sa mga nais mag-apply online, bisitahin lang ang m.facebook.com/105168734881365.