Epektibo mamayang alas-5:00 ng hapon, ititigil na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang online application nito para sa mga nais na makakuha ng ayudang pinansyal sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program o CAMP sa mga nasa sektor ng turismo.
Ayon sa DOLE, naabot na kasi nila ang target na mga benepisyaryo ng nasabing programa.
Partikular ang ₱5,000 financial assistance sa tourism workers sa bansa.
Sa kasalukuyan ay pinoproseso na ng DOLE ang mga natitirang aplikasyon at ang pagbabayad sa mga naaprubahang aplikasyon.
Aabot sa 995,710 workers mula sa 23,051 na establisyimento ang nag-apply ng financial assistance.
Aabot na sa mahigit ₱1.7 bilyon ang naipamahagi ng DOLE sa 354,748 benepisaryo.
Patuloy naman ang pagproseso sa mahigit 160,000 pang aplikasyon.