Online application sa pagkuha ng permit, iiral sa new normal sa QC LGU

45

Simula ngayong araw, pinapayuhan ng Quezon City Local Government Unit (LGU) ang sinumang kukuha o magre-renew ng business permit na i- download at i-fill out ang Unified Business Permit Application Form.

Ito na ngayon ang bagong proseso sa pagsumite ng applications para makakuha ng building permits at business licenses.


Layon nito na malimitahan na ang harap-harapang interactions sa pagitan ng mamamayan at city hall employees para maipairal ang social distancing.

Isusumite ang form sa Business Permit and Licensing Division (BPLD) sa pamamagitan ng email na BPLD@quezoncity.gov.ph para sa evaluation.

Ayon kay Margarita Santos, Head ng BPLD, may response team na magmo-monitor at tutugon sa mga incoming applications.

Lahat ng applicants ay maaari nang gumamit ng bank payment sa kanilang transaksyon sa pamamagitan ng Landbank upang maiwasan ang pila sa QC Hall.

Nasa mga applicant na rin kung ipapakuha o ipapa-deliver sa courier service ang kopya ng permit mula sa city hall.




Facebook Comments