Mga online applications sa ‘Balik Probinsya’ program, umakyat na sa mahigit 79,000 ayon sa NHA

Umabot na sa mahigit 79,000 ang mga online applications para sa ‘Balik Probinsya’ program ng gobyerno.

Sa isang virtual presser, sinabi ni National Housing Authority (NHA) Executive Director Marcelino Escalada na mula sa naturang bilang, 43,000 dito ay mga indibidwal habang 35,000 ay kasama ang mga miyembro ng pamilya.

Karamihan sa mga lugar na may pinakamaraming aplikasyon ay mula sa Central Visayas partikular sa Leyte at Samar.


Para aniya sa hindi makapag-apply online, pwedeng mag fill up ng application forms sa mga barangay.

Kabilang sa mga oportunidad na alok sa programa ay ang soft loan mula sa Department of Trade and Industry (DTI), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) scholarships at livelihood assistance ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Dagdag ni Escalada na patunay ito na positibo ang pagyakap ng publiko sa bagong oportunidad pabalik ng kanayunan.

Facebook Comments