Manila, Philippines – Patuloy ang pagbubukas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng slots para sa online passport appointments.
Ayon sa abiso ng DFA sa publiko, araw-araw ay nagbubukas sila ng slots para sa buwan ng Pebrero hanggang Hunyo ngayong taon.
Kaya inabisuhan ng DFA ang publiko na palagiang bisitahin ang kanilang website para sa online appointment.
Ngayong araw, kabilang sa mga mayroon pang slots na available para sa online appointment sa passport processing ay ang DFA sa SM Manila, DFA NCR South Alabang at sa DFA Aseana.
Habang ang mga Satellite Office naman ng DFA sa mga lalawigan ay mayroon pang slots sa Bacolod, Baguio, Butuan, Cotabato, General Santos, La Union, Legazpi, Lucena, Puerto Princesa at Tacloban.
Facebook Comments