Online at bangking services ng BDO, nagkaproblema kahapon

Nagkaaberya kahapon ang online at banking services ng Banco De Oro.

Sa abiso ng bangko sa kanilang Facebook, humihingi sila ng paumanhin sa abalang idinulot nito.

Agad namang naibalik ang serbisyo matapos ang ilang oras.


Matatandaang noong June 2017, ang BDO ay isinailalim sa review ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) matapos maiulat na ilang accounts ay nabiktima ng skimming attacks.

Matapos ang review, ang monetary board ng BSP noong November 2017 ay nakitang sumusunod ang BDO sa Central Bank Requirements.

Nitong hulyo, kinilala ng BSP ang BDO bilang Commercial Bank na lumilikha ng malaking halaga ng Remittances mula sa mga OFW.

Facebook Comments