Online at iba pang paraan ng pagkuha ng RFID stickers, iminungkahi ni Sen. Marcos

Iminungkahi ni Senator Imee Marcos na ipa-online na rin lahat ng appointment o application para sa pagkuha ng Radio-Frequency Identification (RFID) stickers.

Ayon kay Marcos, ito ay para mas maging mabilis ang pag-iisyu ng RFID, kung saan mababawasan din ang pagsasayang ng oras sa pagpila nang mahaba ng mga motorista at syempre bawas stress din.

Dagdag ni Marcos, malilimitahan din nito ang physical appointment na makakatulong para makaiwas sa COVID-19.


Suhestyon pa ni Marcos sa toll operators, bumuo ng activation team na maaaring magpunta sa mga barangay para magkabit ng RFID stickers o tumanggap ng request sa kanilang facebook page.

Ayon kay Marcos, kahit pinalawig hanggang December 1 ang pagpapatupad ng mandatory cashless transaction sa lahat ng expressway ay siguradong marami pa ring magkukumahog para magpakabit ng RFID stickers.

Facebook Comments