Online bar examinations, isinulong ni Senator Tolentino

50
COURTESY: SENATE OF THE PHILIPPINES FB

Dahil sa COVID-19 pandemic ay isinulong ni Senator Francis Tolentino ang pagsasagawa ng online bar examinations.

Iminungkahi ito ni Tolentino kay Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta sa pagtalakay ng Senado sa proposed 2021 budget ng Judiciary na nagkakahalaga ng P43.54 billion.

Layunin ng suhestyon ni Tolentino na mapangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng mga bar examinees.

Ayon kay Tolentino na isa ring abogado, ikinukonsidera na ang online bar examinations sa iba’t ibang mga lugar sa Amerika gaya ng Michigan, District of Columbia, Louisiana at New York.

Sagot naman ni Chief Justice Peralta, plano nilang idaos ang online bar examination sa November 2021 sa Maynila at sa dalawa pang lugar sa Visayas at Mindanao.

Facebook Comments