Cauayan City, Isabela- Ilulunsad bukas ng Schools Division Office ng Cauayan City at Lokal na Pamahalaan ang ‘ONLINE BRIGADA-ESKWELA’ bilang bahagi ng pagsisimula ng pasukan sa mga paaralan sa darating na Agosto 24.
Ayon kay City Mayor Bernard Dy, malaking kaibahan ang tradisyunal na pagsasagawa ng nasabing programa dahil na rin sa nagpapatuloy na banta ng virus sa bansa.
Dagdag pa ng alkalde, may mga piling paaralan sa siyudad ang walang gamit para sa paghuhugas ng kamay na pagkakalooban ng lokal na pamahalaan.
Target ngayon na mabilhan ng radyo ang tinatayang nasa 10,000 mag-aaral sa lungsod na kinakailangan nilang magamit para sa multimedia learning sa darating na pasukan.
Sinabi ni Dy, ito ay alternatibong gamit na kailangan ngayon imbes na magbigay ng mga school bags ang LGU.
Inaasahan na ang pagsasagawa ng ‘new normal’learning ng nasa 30,000 na mag-aaral sa siyudad sa darating na pasukan.