Iminungkahi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na isagawa na lamang ang caroling via online.
Ito’y dahil na rin sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Año, hindi pa rin nararapat gawin ang personal at face-to-face na pangangaroling lalo na’t hindi pa nafa-flatten ang curve ng COVID-19.
Nauna nang inihayag ng Joint Task Force COVID Shield ang kanilang suporta sa rekomendasyong ipagbawal ang caroling.
Sinabi naman ni JTF COVID Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar na hinihintay pa nila ang desisyon ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa nasabing proposal kung saan wala pa naman inilalatag na guidelines hinggil dito.
Facebook Comments