Tiniyak ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na kanilang aaksyunan ang napaulat na ‘online cheating’.
Kasunod ito ng nag-viral na Facebook group kung saan nagkokopyahan ng sagot sa kanilang exams ang mga estudyanteng nag-aaral sa ilalim ng online o modular learning.
“Yang questions of cheating in schools e, lingering issue ‘no. Hindi ko jina-justify. I’m saying… we will not tolerate it,” giit ng kalihim.
We are now seeking the assistance of authorities and tracing now kasi meron naman talagang questions dyan e tsaka may key tayo for the answer questions, kung nag-leak ba yan or napunta sa mga estudyante o nagkopyahan, kailangan imbestigahan natin yan,” dagdag niya.
Mino-monitor na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga Facebook pages na ginagamit sa online cheating.
Umapela naman si Briones sa mga nakatatandang kasama ng mga estudyanteng ito na magsilbing mabuting halimbawa at sitahin ang mga mali nilang ginagawa.
“Honesty is the best policy, and perhaps, the best teachers of honesty would also be the adults themselves,” ani Briones.