Online dating app, ginagamit na rin sa illegal recruitment – POEA

Para sa mga naghahanap ng Mr. o Ms. Right sa mga online dating apps…

Nagbabala ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga Pilipinong naghahanap ng trabaho

Ito ay matapos makatanggap ang POEA ng mga sumbong na may mga nag-aalok ng migration at employment opportunities sa Estados Unidos at Canada gamit ang online dating apps at websites.


Modus ng “online romantic partner,” kaibiganin at aalukin ng trabaho sa ibang bansa ang biktima.

Papangakunan din ng kasal ang iba para maging lehitimo ang pagkumbinsi.

Sa ngayon, payo ng POEA sa job seekers sa Pilipinas na huwag patulan ang mga alok na trabaho sa dating apps at websites at mas lalong huwag magpapadala ng pera sa mga online portals kapalit ng trabaho.

Facebook Comments