
Naniniwala si Sen. Joel Villanueva na dapat nang matigil ang talamak na online gambling sa bansa.
Sa pagdalo nito sa Kapihan sa Manila Bay, muling iginiit ni Villanueva na hindi tama ang panukala na i-regulate o magkaroon lamang ng limitasyon sa online sabong partikular ang paglalagay ng pusta.
Aniya, dapat na itong matigil lalo na’t walang kasiguraduhan kung sino-sino ang nagsusugal kung saan maaaring gawin na rin ito ng kabataan.
Giit pa ni Villanueva, mas malala ang online gambling kung ikukumpara sa e-sabong dahil marami ang umaasa na mananalo sa iba’t ibang sugal.
Sa isyu naman ng mga nawawalang sabungero, ipinunto ng senador ma amg naging puno’t dulo ron nito ay isyu ng pagsusugal.
Sinabi pa ni Villanueva, kasuhan na ang dapat kasuhan na sangkot sa pagkawala ng mga sabungero lalo’t magiging daan ito upang masugpo ang pagsusugal.









