Mariing tinutulan ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez ang online o digital gambling partikular ang plano ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO na magpatupad ng online lotto para mas mapalaki ang kita.
Sa pagbusisi ng House Committee on Appropriations sa budget ng PCSO ay ikinatwiran ni Rodriguez na kapag ginawang online ang lotto o anumang sugal ay magiging bukas ito maging sa mga bata na maaring makasira sa kanilang moralidad o pagkatao at kinabukasan.
Giit ni Rodriguez, huwag hayaan na mangyari sa ating mga kabataan ang masamang epekto na idinulot ng E-sabong na naging ugat pa ng pagkasala ng halos 30 katao.
Diin pa ni Rodroguez, kung tutuusin ay iligal naman talaga ang gambling o sugal sa ilalim ng ating revised penal code pero nagkataon na ilang porma nito, tulad ng sweepstakes, casino at lotto, ay ginawang legal sa pamamagitan ng pagpasa ng batas.
Si Manila Representative Benny Abante naman ay pinapa-imbestigahan sa PCSO ang napaulat na online game kung saan maaring tumaya ang mga bata.
Bukod dito ay nagpahayag din ng pagtutol si Abante sa E-sabong dahil nakakaapekto ito sa kita ng PCSO na may mandatong magbigay ng tulong sa mga kapus-palad.