ONLINE GAMER SA PANGASINAN TOPNOTCHER SA BOARD EXAM

Hindi pa rin makapaniwala ang dalawamput’ dalawang taong na si Engr. Franz Velasco mula sa Brgy. Tonton, Lingayen matapos itong tanghaling topnotcher sa natapos na April 2020 Electronics Engineering Licensure Exam ngayong taon.
Nasungkit ni Velasco ang ika apat na puwesto sa Electronics engineering licensure exam at top 2 naman sa electronics technician. Ginanap ang nasabing pagsusulit sa bayan ng Rosales noong nakaraang buwan.
Saad ni Velasco, hindi madali ang kanyang pinagdaanan para maabot ang kanyang narating ngayon.

Sa katunayan aniya, ayos na sa kanya ang makapasa lamang siya sa nasabing pagsusulit ngunit tila naging bonus ang kanyang dalawang nasungkit.
Labis din ang tuwa ng kanyang ina na si Anita Velasco, nagpapasalamat ito sa pagpupursige ng kanyang mga anak, lalo na’t hindi madali ang mag-isang nagtataguyod sa kanilang apat na magkakapatid dahil sa maagang pumanaw ang kanyang asawa.
Dagdag pa nito, si Franz ay mahilig maglaro ng online games, ngunit pagdating naman sa oras ng pagrereview ay seryoso ito.
Sa ngayon, plano ni Engr. Velasco na makapagtrabaho na upang masuklian ang sakripisyo ng kanyang ina.
Samantala, pangatlo sa 4 na magkakapatid si Franz at ang dalawang panganay nitong kapatid ay pawang mga topnotchers din. | ifmnews
Facebook Comments