Wednesday, January 28, 2026

ONLINE GAMERS, NAGPAKITANG-GILAS SA PINAKAMALAKING ML TOURNAMENT SA WESTERN PANGASINAN

Pinatunayan ng mga online gamers ng Pangasinan ang kanilang husay matapos matagumpay na maisagawa ng Team Mosaic Inc. at Pangasinan Gamers League ang pinakamalaking Mobile Legends (MLBB) tournament sa kasaysayan ng Western Pangasinan, na may pinakamataas na pa-premyo sa nasabing lugar.

Nangibabaw ang isang koponan matapos masungkit ang ₱15,000 grand prize, tinalo ang 21 iba pang koponan na nagmula pa sa iba’t ibang bayan sa unang distrito.

Sa kabuuan ng torneyo, nangibabaw sa mga manlalaro ang kanilang disiplina, estratehiya, at husay sa laro gayundin ang kanilang talento at determinasyon sa larong Mobile Legends, dahilan upang maging mas kapanapanabik at kompetitibo ang buong torneo.

Dahil sa tagumpay ng nasabing torneo na nagsilbing plataporma para sa mga gamers ng Western Pangasinan upang maipakita ang kanilang galing sa MLBB, plano ngayon ng Team Mosaic Inc. at Pangasinan Gamers League na palawakin pa ang kanilang torneo. Target nilang dalhin ito sa mas malawak na online gaming community ng Region 1, kabilang ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan, at gawin itong isang seryeng MLBB tournaments sa hinaharap. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments