Online illegal adoption, maituturing na child trafficking – DSWD

Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko lalo na sa mga nagsasagawa at pumapasok sa online adoption dahil ikinokonsidera itong child trafficking.

Ito ang pahayag ng kagawaran matapos maglipana sa social media ang mga accounts na nagsasagawa ng online illegal adoption.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, ang online adoption ay paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.


Ang mapapatunayang guilty sa qualified trafficking ay papatawan ng habambuhay na pagkakakulong at magbabayad ng multa mula ₱2 million hanggang ₱5 million.

Sa administrative phase ng adoption, ang mga adoptive parents ay hindi kailangang magbigay ng pera, maliban na lamang sa ‘minimal fee’ para sa pagpoproseso ng mga dokumentong kailangang isumite.

Ang singil naman ng mga abogado para sa legal proceedings ay sasagutin ng adoptive parents.

Aabutin lamang ng halos isang taon bago maisapinal o maproseso ang adoption petition.

Facebook Comments